Monday, December 11, 2023

Paghihirap Dulot ng Kahirapan | Trizha C. Talandron

     Ang Poverty o Kahirapan ay isang isyu na karaniwang napapansin natin sa ating bansa. Hindi lang ito problema na nangyayari lamang sa isang tao o pamilya, kundi pati na rin sa buong bansa. Ito ay tungkol sa kawalan ng sapat na pera pang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan kabilang ang mga pagkain, damit, at tirahan. Dahil dito, marami ang nagugutom, nagkakasakit, at naghihirap.

    Ang kahirapan at matagal ng umiiral. Ang antas ng kahirapan sa Pilipinas ay 18.1% noong 2021, o humigit kumulang 19.99 milyong indibidwal, ayon sa Philippine Statistics Authority. Kakulangan ng mahusay na trabaho, hindi magandang edukasyon, mga problema sa kalusugan sa buong mundo kagaya ng mga pandemya, at marami pa ang ilan sa mga dahilan ng problemang ito.

   

Upang labaan ang kahirapan, ang gobyerno ng Pilipino ay nglagay ng ilang mga patakaran at inisyatiba, tulad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program. Ang programang ito ay tumutulong sa mga bata mula sa mahihirap na sambahayan sa kanilang kalusugan, nutrisyon, at edukasyon. Sa alagay ko, ang mamamayang dumadaranas ng kahirapan ay lubos na makikinabang sa pamamaraang ito ng gobyerno sa pagbawas ng kahirapan. Sa pamamagitan ng programang ito, makakatanggap sila ng makabuluhang tulong at mapapabuti ng mga tao ang kanilang kagalingan.


    Ako ay lubos na naaawa sa mga taong nagdadaranas ng kahirapan. Nakaksakit ito sa aking damdamin na makakita ng mga taong gutom dahil walang pera upang makabili ng pagkain. Nais kong tumulong at ibigay ang aking makakaya upang makatulong kahit sa maliit na paraan. Sana sa matagal na panahon o sa kinabukasan, kaunti na lang ang naghihirap at may makakain na masustansyang pagkain ang mga taong nagdadaranas ng kahirapan.



    Dahil ang kahirapan ay isa sa pinakamalaking problemang kinakaharap ng mundo, dapat itong matigil. Kung susumahin, ag kahirapan ay nakakaapekto hindi laang sa mahihirap, kundi pati na rin sa kapaligiran at lipunan bilang isang buo. Lahat ay apektado dito. Hindi lang to nakakaapekto sa pinansiyal na sitwasyon ng tao, kundi pati na rin sa pangkalahatang kagalingan o kapakanan nila.






The Essence of Family Day | Trizha Talandron

“It is the smile of a child, the love of a mother, the joy of a father, the togetherness of a family.” -Menachem Begin      Noong Abril 28, ...