Friday, May 3, 2024

The Essence of Family Day | Trizha Talandron

“It is the smile of a child, the love of a mother, the joy of a father, the togetherness of a family.”


-Menachem Begin


    Noong Abril 28, 2024, nagkaroon kami ng isang kahanga-hangang Family Day sa ACT-IS Bulacao. Ngunit bago iyon, ang mga pamilya ay sumali sa mga paligsahan sa mga laro, kagaya ng bingo, at zumba. Sa kasamaang-palad, hindi ako nakadalo sa zumba dahil sa personal na mga dahilan.


    Nagkaroon ako ng pagkakataon na sumali sa bingo, at lubos akong naglibang. Napakasaya ko noong malapit akong manalo at isang numero na lang ang kulang sa blackout pattern, pero habang naghihintay ako, may taong lumapit sa entablado upang ipahayag ang sarili bilang panalo kaya medyo nadismaya ako. Bukod doon, napakaganda ng pakiramdam na kasama ang mga taong mahal ko sa oras na iyon. Sa araw na iyon, nanood din kami ng mga paligsahan na sinalihan ng mga magulang. Nabigla kami sa kakaibang galing at talento ng mga magulang ng aming mga kaibigan at iba pang tao.


    Sa Family Day, kasama ko ang aking kapatid at ang aking ina. Lubos kaming namangha sa lahat ng mga pagtatanghal mula sa bawat kinatawan ng pamilya mula sa bawat antas ng grado. Dahil alam ng aking ina na mahiyain talaga kami ng aking kapatid, hinikayat niya kami na sumali sa susunod na pagkakataon bilang biro. Nakakatuwa ring makita ang aking kapatid na makasama niyang muli ang dati niyang mga kaklase. Naghapunan kami nang magkakasama at lubos na natuwa sa masarap na pagkain.


    Ang karanasang ito ay nag-udyok at nagpaalala sa akin na bigyan hindi lamang ng prayoridad ang paaralan kundi pati na rin ang oras sa pamilya. Madalas nating nalilimutan na maglaan ng mahalagang oras sa pamilya dahil tayo'y labis na abala. Ang pagkakaroon ng mahalagang oras kasama ang pamilya ay isang kayamanan. Bagamat nag-iwan sa atin ng pagod ang karanasan, ang mga alaala na nabuo ay nagbigay ng saysay sa lahat. Nawa'y pahalagahan natin ang ating mga mahal sa buhay at lumikha ng maraming alaala na ating sasariwain sa habang-buhay.


No comments:

Post a Comment

The Essence of Family Day | Trizha Talandron

“It is the smile of a child, the love of a mother, the joy of a father, the togetherness of a family.” -Menachem Begin      Noong Abril 28, ...