Tuesday, September 21, 2021

PAGTULONG SA PAMILYA | Trizha C. Talandron

            Ang pagtulong sa iyong pamilya ay ang iyong responsibilidad. Bilang bahagi ng isang pamilya, gumagawa ako ang mga bagay upang matulungan ang aking pamilya. Ang aking paraan ng pagtulong sa kanila ay sa pamamagitan ng paggawa ng mga gawain sa bahay, pagtulong sa aking kapatid sa kanyang mga takdang-aralin, pagpapangiti o pagpatawa sa kanila, pagbibigay sa kanila ng mga regalo, pagtulong sa aking ina na ayusin ang kanyang mga module, at iba pa. Sa pagtulong sa iyong pamilya, mapapasaya mo sila at maipaparamdam nila sa iyo na ikaw ay kailangan. Sa mga oras na ito ng pandemya, ang mga pamilya ay kailangang magkaroon ng komunikasyon kabilang na dito ang pagtutulungan.

            Tradisyon sa aming pamilya ang maging mapagbigay. Malaki o maliit ay tinuro sa amin na ibahagi ang mayroon kami. Tinutulungan ko ang aking pamilya dahil responsibilidad ko ito at dahil din malaki ang nagawa nila para sa akin, kaya inaasahan kong sa pamamagitan ng pagtulong ay mababayaran ko ang kanilang pagsisikap kahit kaunti lang. Tinutulungan ko ang aking kapatid sa kanyang mga takdang aralin dahil mahirap magkaroon ng klase sa online at responsibilidad ko ito bilang ate. Tumutulong ako sa paglilinis ng bahay sa pamamagitan ng pagwalis ng sahig pagkatapos ng hapunan. Hindi ko gusto ang pagwawalis minsan dahil lumalakad ang mga tao sa kung saan ako nagwawalis at palaging tinatapakan ng aming aso ang alikabok na natipon ko dahil naghahanap siya ng pagkain. Kung mayroon akong pera, bumibili ako ng mga regalo sa mga miyembro ng aking pamilya para sa kanilang kaarawan. Kamakailan lamang ay tinulungan ko ang aking ina sa pag-uuri ng mga modules para sa kanilang klase. Nakatutuwa ang pagtitipon, pag-uuri, at pag-i-staple ng mga papel. Ang aking pinsan ay may bagong negosyo na tinatawag na Bastik. Tinulungan ko siya sa pag-photoshoot upang maitaguyod ang kanyang mga produkto.

            Bago ang pandemya, nagkaroon kami ng Christmas party bawat taon kasama ang mga bata naming kapitbahay. Naglalaro kami ng mga laro at binibigyan namin sila ng hapunan bilang kanilang pagkain at mga kendi bilang kanilang premyo. Nagkaroon din kami ng feeding program sa Simala Parish Church at sa Bantayan Island.

            Bilang kaibigan at kamag-aral, ginagawa ko nang maaga ang aking mga takdang aralin para may mapagtatanungan ang aking mga kaklase sa tuwing sila ay nalilito sa gawain. Ginagawa ko rin ang aking mga gawain nang maaga sapagkat kailangan kong tulungan ang aking kapatid sa kanyang mga takdang aralin at kailangan kong gumawa ng iba pang mga responsibilidad.

            Maraming paraan upang matulungan mo ang iyong pamilya at ang ibang tao. Sa maliit na tulong ay maari mo na silang mapasaya. Nais kong iparamdam sa kanila na mayroon silang taong maaasahan. Hindi ako nagmamayabang tungkol sa pagtulong ko sa ibang tao. Ang mga tao ay kailangang manatiling mapagpakumbaba palagi. Nais kong mapangiti, mapatawa, o mapasaya ang aking pamilya, kaibigan, at ang iba pang mga tao sapagkat ang bawat isa sa atin ay may pinagdadaanan lalo na sa panahong ito ng pandemya. Sa isang maliit at mabait na kilos, marahil ay maaari mong mapagaan ang pakiramdam nila.

Ang larawan na ito ay kinunan habang naglalaro kami
sa panahon ng aming Christmas Party (2014).

Nakunan ang larawang ito pagkatapos ng aming
Christmas Party (2015) kasama ang aming mga kapitbahay.





No comments:

Post a Comment

The Essence of Family Day | Trizha Talandron

“It is the smile of a child, the love of a mother, the joy of a father, the togetherness of a family.” -Menachem Begin      Noong Abril 28, ...