Monday, May 23, 2022

BAKIT MAHIRAP PARA SA TAO ANG PAGIGING TAPAT SA LAHAT NG PAGKAKATAON?

Ang katapatan ay isang birtud na alam ng lahat. Ito ay isang katangian tungkol sa pagiging tapat o pagsasabi ng totoo. Hindi lahat ay tapat sa lahat ng pagkakataon. Ang pagiging tapat ay parehong madali at mahirap. Depende sa sitwasyon.


Ang pagsisinungaling at pagiging tapat ay nangangailangan ng lakas ng loob. Mahirap maging tapat dahil baka makasakit o makakaapekto ka ng ibang tao. At iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit nagsisinungaling ang mga tao. Minsan ang mga tao ay gumagamit ng white lies para hindi makasakit ng damdamin ng iba. Mahirap din dahil takot ka sa paglabas ng katotohanan dahil ito ay maglalantad sa iyo. 


Kahit mahirap, dapat mong sabihin ang totoo. Dapat kang maging tapat. Walang maidudulot ang pagsisinungaling dahil laging lalabas ang katotohanan. Magsalita, magsabi ng totoo, dahil iyon ang kailangan ng mundo. Katapatan.


No comments:

Post a Comment

The Essence of Family Day | Trizha Talandron

“It is the smile of a child, the love of a mother, the joy of a father, the togetherness of a family.” -Menachem Begin      Noong Abril 28, ...